Wednesday, November 19, 2008.
Ito na siguro ang araw na hindi ko akalaing may mangyayaring masama sa akin.. Pangyayaring di mo akalain sa pang araw araw na paglalakbay.
Imulat ang mga mata sa mga nangyayari sa ating kapaligiran,naghihirap na ang buhay, lahat nagagawa para lang palipasin ang isang araw ng pakikipagsapalaran. Mapunan ang mga naghihinahing sikmura, mga natutuyong mga labi, mga umiiyak na mga damdamin.
Ano ang ginagawa ng gobyerno sa kanyang mga tao? May mga opisyal na niluklok para tumulong, nasaan sila?, nag iipon ng yaman habang ang mga isang kahid isang tuka'y sumisigaw ng sentimo. Nakakaawa ang mga kababayan natin na walang mga trabaho, walang mapasukan,walang makakapitan. Iniisip ko kung panu kung ganito na lang lagi? Nasaan ang pagbabago? Nasaan progreso? Nasaan na ang Pilipinas?
Siksikan sa dyip nang sumakay ako, alas nuebe ng gabi, bandang UE, sakay ang ilan ng estudyante ng TIP, mga empleyado at karaniwang tao.
Habang ang dyip ay patuloy sa pag arangkada, tahimik at payapa kaming nakaupo, tila nag iisip, nag mumuni kung pano na naman bukas, ano ang gagawin. Habang ako'y nag iisip ng aking gagawin pag dating sa bahay, may pumukaw ng pansin sa akin, tila may naramdaman akong may nahulog sa aking paanan ng isang bagay, tiningnan ko ito at nakita ko ang isang kulay itim na maliit na pahaba. Pinulot ko ito, dun ko lang namasid na aking USB pala iyon. Naglalaro sa aking isipan kung bakit nahulog iyon samantalang nakasarado naman ang zipper ng aking bag. Malaking tanong sa aking isipan, tiningnan ko ang bag,. Nag init ang buo kong katawan at pinagpawisan ako ng husto. Doo'y pala'y nawatwat na ang bandang ibaba ng bag at nakalabas na ang earphone ng MP4 Player ko.
Friday, November 21, 2008
JEEPNEY
Posted by Christopher at 12:28 AM 0 comments
Tuesday, August 26, 2008
Naku....eto na...eto na...Eto na naman ang Eksamination para sa Midterm. Andyan na naman yung mga dating gawain pagdating sa Exam. YUng mga tipong palingon lingon, pa CR-CR kuno para makita lang ang preparadong kodigos, mga tipong patakip takip ng noo, pero ang mata nasa katabi, yung tipong pacheck ng time sa phone pero nasa notes na nakalagay ang screen. haaay...buhay studyante nga naman talaga, gagawin ang lahat para lang pumasa.. Bakit okay lang naman yun basta wag lang pahuhuli...kaya lang minsan ng dahil dyan, di tayo natututo. Nagiging independent tayo sa klasmeyt.. Why don't you try para magkaroon ka ng bilib sa sarili? Bakit di mo subukang paganahin ang malikot mong kautakan?...Ginawa ko na yan, and yes....and yes, and YES...gumana!Mga kaeskwela ko at mga kapwa ko mag-aaral, Wag tayong ganun, kasi kung ganun, di tayo magiging ganyan...Bukas ma start ang EXAM ko. Maglalasing pa ako para may maisulo naman kahit konti lang, konting konti lang talaga. Mga kapwa ko tao, karirin ang pagrereview dahil dyan nakasalalay ang tagumpay ng magulang.. Try to suklian ang mga binigay na pang tuition para naman masobrang matuwa ang ang mga erpats at ermats. O panu yan, pupunta nako sa study table ko. Kayo din, ikaw din at tayo na lahat!...
Posted by Christopher at 2:36 AM 0 comments
Monday, July 28, 2008
Confusing
I don't know if I made a big mistake last friday night! Umamin na ako sa bestfriend ko about my secret... don't know kung mababago ba ang pakikitungo nya sa akin or mababago ang pagtingin niya sa akin... It is something weird kasi sa kanya na malaman nya galing sa akin else may haka haka na siya dati pa! But i guess hindi siya magbabago, may tiwala siya sa akin... at naniniwala siyang kaya kong ihandle yung pinasukan ko!.. To tell you about the secret is may kinalaman sa love.. Di naman siguro nakakapagtaka yun!.. ang naiba lang...may lihim talaga! Siya pa lang ang nakaka alam ng lahat ito,... Sana lang wag lang siyang maging manhid sa mararamdaman ko kapag nasabi rin nya sa iba!... All secrets naman na rereveal eh, but not this time, di pa panahon para malaman ng lahat!...
Pasensya na sa mga reader kung tagalog ang ginagamit ko... Pag nagbloblog kasi ako puro pahabol lang, may time limit kasi,...senxa na ha! sa mga foreigner, next time na lang..bili kayo dictionary (FILIPIN-ENGLISH)!..
Mga tol, konting ingat lang sa pagtatago ng mga sikreto.,kahit anung sikreto, yung mga bagay bagay na mahalaga sayo, kung tungkol man ito sa pagkatao mo, nararamdaman mo, kung may kinalaman man sa pamilya, sa kaibigan, sa paligid.... We should not let somebody to know it unless we have the trust to that person. Kaya lang mahirap minsan magtiwala ngayon kasi iba na ang environment ngayon, kahit pa sabihing may pinag-aralan siya, meron pa ring mga bagay na nakakalimutan nyang magtakip ng bibig.. Ang hirap magsabi ng nararamdaman pero mas mahirap kapag hindi naisasabi ang nararamdaman... My point is, kung masyadong confidential ang sikreto, hindi basta basta na vovoice out kaya mahirap.. We should not be pabaya sa mga private life natin... Be desolate!...
Posted by Christopher at 1:07 AM 3 comments
Thursday, July 24, 2008
ASSIGNMENT
Nakakainis!.. Di ako nakapagpasa ng assignment sa Digital Design namin. Panu kasi, hindi ko alam yung format ng bond paper.. May boarder pa pala! Ayun, tsugi, hindi tinggap!...Araaaaaayyyyyyyyyy.....!
Malas ata ng pasok ng Midterm ko ah!... Buti na lng madami kami! hindi lang ako nag-iisa, madmi kami, as in madami...madami talaga!..
Anyways, okey lang sa akin, I will learned from it!...Do it nice next time! Di pa naman huli, may mga sangkatutak pa naman na ipapa-assignment.. Sana lang onting percent lang ang Assignment..para di masyado affected ang grade... pero sayang yun ah!.. Bawi na lang...!
Mga repapips, kayo ha...sunod din kayo sa mga instructions para di ma reject ang mga pinagpawisan, pinagpaguran, pinagpuyatan, pinaglaanan ng oras para lng ma-accomplished.. Buhay nga naman talaga! Sabi ko nga, may mga times na nabaBad-mood ang mga professor, kaya tameme ka na lng, wag ng kumontra...kasi kung bakit??? ikaw ang mapagbubuntunan...WAWA ka rin!
Mga dudes, Friday na bukas, last day na naman ng mga klase (sa iba), kaya planuhin nyo na mga lakad nyo!...cgurado yung iba diyan may lakwatsa na naman..oke lng yan basta mag-ingat!..at sa saka safe yung pupuntahan...
Ako hindi ko alam kung papasok ako sa opis sa saturday!...mukang may gagawin ata ako...di ko pa alam! Come what may na lang...bukas ko na pag isipan at mejo pagod na ako...gutom pa ako, wa pa ako lunch, alas kwatro na! Panu walang BREAk!...
Mga fans ko! Salama sa pagbasa sa wlang kwenta kong blog! Ingat ka!
Posted by Christopher at 12:01 AM 0 comments
Monday, July 21, 2008
SATURDAY...
It is our batch again to serve in our office.... Well, everything's fine..! Yun nga lang may mga instances na nababad mood tayo! Pero ayos lng, lumilipas din naman yan...
Ito, ito nga pala yung araw na pupunta kami ni pareng dingDONG sa Las PiƱas to attend his bestfriend daughter's birthday! Nagpasundo na lng ako dito sa school para less fare pa kung uwi din ako... MAayos naman ang lahat! We've been there with his CAR at 5:30pm... The food was okey, visitors as well, usap usap...bonding, nakipagkilala!... Hospitality pa rin ang pinakita!..
Bumalik kami ng MANILA after 1 hour and 45min....umuwi kami agad kasi may lakad pa daw iba itong si PAREKOY...bibili ng gamit sa clinic with his nephew... Nakarating kami ng maayos at masaya!...
Tinuloy na lang namin ni Parekoy yung celebration sa bahay ng 12midnight kasama yung isa kong kasamahan sa bahay...Nabili lang ng Crackers at Roller Coaster, wla ng softdrinks kasi acidic na kami...heheheh!.. Natapos yun ng bandang 1:45am.... at
bukas linggo.....rest day ko!...
Posted by Christopher at 2:04 AM 1 comments
Friday, July 18, 2008
July 18, 2008! -EXAMINATION DAY-
Prelim na naman! matatapos na ngayong araw na itech na prelim examination week!
Nakaka pressure kasi lahat ng subject every MWF, sabay sabay sila nagpa exam..! grrrr....ang hirap maghati ng time para review! BUT di naman lahat natuloy, may dalawang subject pang natira kasi naman na LATE ako sa First Exam ko..! Nakakainis talaga, patakbo takbo pa ako para makahabol, ayun...wala din nangyari, Late pa rin, kasi naman.... 15min. before time out na yung klase...musta naman yun?...! Kasi ganito yun, honestly, I woke up 7:00am dahil hindi nag ALARM yung orasan,.E Alarm clock dependent ako..,hindi pala naka set! Naku puuuuuhhh..PATAY!. Syempre mamadali ka sa pagbihis, wala ng kain, diretso agad sa jeep...tpos isa pa tong jeep na to, badtrip!..maghintay ba ng pasahero e wala na nga...edi syempre basa basa muna habang naghihintay, dius miyo, 7:30 na nung umalis??????..BADTRIP talaga...E 7:30 yung exam ko!...
Sunod yung 2nd EXAM ko, sa MICROPROCESSOR...ito rin, napagod din ako dito..panu, yung requirement namin ngayon ipapasa, pina book pabook bind pa..! Tapos tapos tong mga mababait kong klasmate ako pa inutusan kumuha ng pinabook bind nila sa may san sebastian.. huhuhuhu! edi syempre pumunta ako, mabait ako eh, lakad lakad na naman....
pero ayos lng, atleast nakapgpasa, nakatulong ka pa..! Yung exam namin dito mejo confusing sa simulation, di ko masyado naget yung iba...Dami din nainclude na hindi ko nareview,, xempre hulaan na lng!.. Ayos lang....Sana pumasa!..
Sa Computer Architecture (3rd subject) naman, wala yung professor kaya hindi kami nakapag exam...Naconfine daw eh...! Sana gumaling na siya... WAWA naman!
----11:30am-------------------DUTY--------------------------2:30pm----------------------------
4th subject..,,wala din kami pasok dun, tpos na exam namin dun!
pang lima, sa Data Communication and Networking!
Ito puro memorization ang puhunan, dami identification, ayos lng basta nag-aral, madali kapg nkapg review....ang mahirap lang kung may binigay na tanong na hindi mo narecall,,, at yun ang nangyari sa akin..di ko maalala yung PIN CONFIGURATION ng mga UTP's. Di ko nabasa...wala ako lecture eh..!..
Back to _________________________DUTY________________________________
8:00 uwian na...........!!!
Yun lang,, yun lang ang ginawa ko maghapon! Di masyado nakakapagod, mahihimatay ka lang...
to be continued.....
Posted by Christopher at 2:15 AM 0 comments
Tuesday, May 6, 2008
Ehem... Last Monday? Finally, We've talked longer for about 10min. in the phone! I kust tell to her that I want to be friends with her, that's my first step for getting know her very much. Im just hoping that we'll be OK. I just hoping that she'll talked me often. Actually, her brother was my peer, so I can keep in touch in their house. Her mother knows me already because I oftenly visit in their house. I stop by in their house last night but unfortunately she's not at home, she's with her Auntie. I'll try this night to go back again, I hope she'll be there! Oh...what a wonderful days! My heart fall in love again for about 3years after my break-up with my EX.!
Posted by Christopher at 7:50 PM 1 comments
Sunday, May 4, 2008
Last Saturday, May 3, 2008, between 11pm-1pm. Finally I make it a conversation (even just a second,
Posted by Christopher at 10:33 PM 1 comments
Exam in Integral Calculus 2. I find it average, not quite difficult. Im assuming I passed the exam. Goodluck!
Posted by Christopher at 10:28 PM 0 comments
Thursday, May 1, 2008
Hi! Everybody, good day, Im Christopher, here in the Philippines, this is my first time here in BLOGGER!. I just turned 20 last april 21, 2008. Im here to seek new friends, relationaships, and activity partners. I was interested in this BLOGGER because I want to express my feelings and share about my experiences. I want also to read comments and some other things that will inspired me and improved my self-confidenced. I want to develop and learned new things, be it physical, emotional, spiritual and psychological. I hope you guys will help me...
Thank you and good day!
Posted by Christopher at 9:33 PM 0 comments