Madalas na naman natin nakikita ang mga katagang "ENROLLMENT IS GOING ON". Sa bawat eskwelahan na makikita mo sa daan at kalye, nandiyan na naman ang mga naglalakihang mga tarpaulin sa labas ng paaralan na tila nag-aalok sa mga batang uhaw na makapasok sa eskwelahan. Tila nag-aaya sa mga kabataan na pumasok sa mundo ng paaralan. Ngunit sa karamihan, anu ba ang tunay na kahulugan ng ENROLLMENT IS GOING ON? Anu ba ang kahulugan nito sa mga batang kalye? Sa mga kapos, sa mga mahihirap, sa mga uhaw ng karunungan.
Ito ang aking kwento:
Habang binabaybay ko ang kahabaan ng RECTO na may bitbit na bag at isang plastic ng MCDO food, may umagaw pansin sa akin na tila nag iisip at pinagmamasdan ang isang nakasulat at nakadikit sa dingding. Pinagmamasdan ko siya habang ako ay papalapit sa kanyang kinatatayuan. Nang makarating ako sa kanyang kinalalagyan, tiningnan ko ang kanyang binabasa gawa ng mapukaw niya ang atensiyon ko sa kanyang pagkakatitig sa mga letra.
KUYA: Kuya, enrollment na naman pala, ang bilis ng araw.
AKO: Oo nga e.
KUYA: Pero heto ako, tambay,.
AKO: Bakit hindi ka ba nag aaral?
KUYA: Hindi e.
AKO: Bakit?
KUYA: E walang pera e, pero gustong gusto kong mag aral.
AKO: E bakit nasaan ba magulang mo?
KUYA: Ayaw nila akong pag aralin kasi wala kaming pera
AKO: Anu bang gusto mong kunin?
KUYA: Accountacy sana.
AKO: Ilan taon ka na?
KUYA: 23
AKO: Pwede pa yan.
KUYA: Lam mo pre, high skul lng natapos ko, top 2 ako sa klase. Pero heto ako ngayon...tambay, gustong gusto kong mag-aral, madami akong pangarap pero hindi ako makagalaw dahil isang kahid isang tuka lang kami. Ang tatay ko lasinggero laging binubugbog ang nanay ko. Ang ate ko walang trabaho. Pre, mabuti ka pa, maswerte ka kasi may maganda kang pamilyang responsable, ako? wala...inutil ang tatay ko...Kaya pag nakakakita ako ng mga studyante, naiiyak ako kasi sobra sobra ang pananabik kong makapasok. Di ko alam kung anung gagawin ko. Pre, pasenxa na kasi wala akong mapgsabihan ng sama ng loob. Pag nababasa ko yang ENROLLMENT IS GOING ON, napapatulala ako, pasukan na naman na pala...Habang nakikita ko yan, nawawalan ako ng pag-asang mabuhay. Halos gabi gabi akong nag-iisip kung panu ako makakag-aral,umiiyak. Tumatanda na ako. Kaya sa tuwing nakikita ko yan, pera ang unang naiisip ko. Pera, pera, pera, pera.
AKO: Pre, wag kang mawalan ng pag-asa. Magpart time ka.
KUYA: Sinubukan ko ding mag-apply, pero hindi ako makapasok pasok kasi wala akong panlakad ng mga requirements. Kaya ang hirap pre maging mahirap. Buti pa yung mga mayayaman, sila ang may pera pero wala silang pangarap.
AKO: Pre, kung anuman ang meron ka ngayon, wag mong isiping wala ka ng pag-asa kasi challenge lang yan para sayo. Maniwala ka sa panginoon
KUYA: Oo pre, minsan nawawalan na din ako ng pananalig sa diyos, dumating yung oras na nawalan ako ng pananampalataya sa kanya dahil sa mga nangyayaring ito sa buhay ko.
AKO: Pre, isipin mo, kaya binigay sayo ang sitwasyong ito dahil alam ng diyos na kaya mo. Think positive, lahat ng problema may solusyon!
KUYA: Samalat pre ha, sana malampoasan ko na to..cge, mauna na ako..
AKO: cge pre, Salamat din..basta Think positive! Ingat!
AT yun nga ang nangyari sa pag-uusap namin. Ang hirap talaga ng buhay ngayon, hindi mo na alam kung saan ka lulugar. Minsa'y nawawalan na tayo ng tiwala sa sarili gawa ng failure sa buhay. Minsa'y nawawalan na tayo ng pananampalataya sa diyos gawa ng walang pagbabago sa hinaharap. Sana, isang araw, sa tuwing makabasa tayo ng mga katagang iyon sa kalye, hindi na tayo napapaluha kundi masaya na kahit sa kabila ng paghihirap, may pag-asang nagaganap.
Tusukat* 1
12 years ago