May 4, 2009 at 10:49am
WOW! Grabe, ang saya saya, kahit malamig masarap pa ring maligo sa pool..Buti nakisama ang panahon samin..Hindi umulan, akalain mo yun?.. Naganap ito nung MAY 1 kung saan LABOR DAY! Xempre walang pasok ang karamihan kaya pagkakataon na para makapag unwined. BOSO BOSO RESORT sa ANTIPOLO, astig ang pangalan no? Ako nga din di ako makapaniwal na ganun ang pangalan nun, nagtataka lang ako, bakit kaya ganun ang pinangalan dun e ang gandang lugar,. Ah basta, who cares? nyahahahaha... Ganda ng resort infairness, ang lawak, ang laki, tapos kita mo ang kapaligiran, nasa bundok kasi siya nakatirik, ang lamig nga e. May 3 silang pool, una sa KIDDIE POOL, yung pinaka middle pang adult, tamang tama lang sa feet, about 6ft. YUng nasa babang pool na di namin napuntahan, ewan ko lng kung ilang feet. Pero this is the first time na nag enjoy ako sa paglalangoy kasi mostly di ako nakakapagtagal sa pool kasi hirap akong huminga.. Buti na lang tinuruan ako ng proper breathing.. AT dito ko rin unang nakakita ng KASOY. Actually, yun ang pinakapuo nila dun, nagkalat ang KASOY!Ang saya ng mga ACTIVIIES na ginawa namin, may laro kaming mini cheering at military training, I hope mkapag upload ako ng mga pics at vid dito..Kaming taga ITSO FAMILY ang nagcelebrate nitog araw na to. Kasama namin ang ITSO FAMILY ng QUEZON CITY din. Kumbaga TEAM BUILDING ang TEMA ng outing. About 20 kaming lahat..Ayun lng, kung gusto nyong puntahan ang place at magkaron ng info. check this website :www.bosobosohighlands.multiply.com
Wednesday, May 6, 2009
BOSO-BOSO RESORT OUTING
Posted by Christopher at 8:39 PM 0 comments
PACMAN VS HATTON
May 4, 2009 at 11:30am
Pacman wins by TKO with Hatton in ROUND 2..It is a pride for the country again! Salamat at may Pacman tayo!.. However, hindi ko nagustuhan ang laban, never, kasi ang bilis ng pangyayari eh, kumbaga yung thrill wala dun, considering the fact na Pacman will win the fight, dapat pinatagal man lang nya para naman may exitement. The fight was boring, hindi ako nagandahan at kumbaga yung adrenaline ko e hindi gumana. Parang in a glimpse of time, tapos na yung laban.. Pero wala akong magagawa, mahina si Hatton e.. Sino pa ba ang magbabalak makipaglaban kay Pacman? Parang may bulong bulungan na may susunod na naman. Di pa ba sila natatakot? Parang pinapahiya lang nila yung country nila. Si pacman mayaman na naman, alam ko half billion ang napanalunan nya. About P528 Millon. Pero di ba kayo nagtataka? Bawat laban ni Pacman pag siya ay nananalo e may mga tradegy na nangyayari? Going back pa nung una nyang laban, di ba may mga tragedy na nangyayari? hindi lang isa kundi maramihan. Diba nung lumubog yung MB PRINCESS of the STARS, di ba katapos lng din ng laban ni Pacman nun? Sinisi ba? hehehehe! Ah, bahala na, sana walang mangyaring masama. Dala yan ng GLOBAL WARMING na siguro.Grabe ang GMA-7 sa paglalabas nila ng laban ha, nakakabanas at nakakabadtrip, di mo alam kung anong gagawin mo sa T.V e. Ang sarap mura murahin, panu naman and daming COMMERCIAL, nakakabitin, tapos 30mins. ang bawat commercial, abusado talaga ang GMA, mukhang pera talaga.. ASAR,. Dun nga sa lugar namin, pinagmumura ang GMA-7, galit na galit sila kasi lagi daw silang nabibitin dahil sa pagtatake advantage ng network. Dami nag rereklamo. E kahit sinu ba naman e, sinong hindi mababadtrip. ABUSO na kasi ang 7. Sana sa next fight ni PACMAN sa ABS-CBN na lang i-air.Basta kay PACMAN, saludo kami sayo, wag ka lng pumasok sa pulitika ha!.
Posted by Christopher at 8:37 PM 0 comments