Wednesday, November 19, 2008.
Ito na siguro ang araw na hindi ko akalaing may mangyayaring masama sa akin.. Pangyayaring di mo akalain sa pang araw araw na paglalakbay.
Imulat ang mga mata sa mga nangyayari sa ating kapaligiran,naghihirap na ang buhay, lahat nagagawa para lang palipasin ang isang araw ng pakikipagsapalaran. Mapunan ang mga naghihinahing sikmura, mga natutuyong mga labi, mga umiiyak na mga damdamin.
Ano ang ginagawa ng gobyerno sa kanyang mga tao? May mga opisyal na niluklok para tumulong, nasaan sila?, nag iipon ng yaman habang ang mga isang kahid isang tuka'y sumisigaw ng sentimo. Nakakaawa ang mga kababayan natin na walang mga trabaho, walang mapasukan,walang makakapitan. Iniisip ko kung panu kung ganito na lang lagi? Nasaan ang pagbabago? Nasaan progreso? Nasaan na ang Pilipinas?
Siksikan sa dyip nang sumakay ako, alas nuebe ng gabi, bandang UE, sakay ang ilan ng estudyante ng TIP, mga empleyado at karaniwang tao.
Habang ang dyip ay patuloy sa pag arangkada, tahimik at payapa kaming nakaupo, tila nag iisip, nag mumuni kung pano na naman bukas, ano ang gagawin. Habang ako'y nag iisip ng aking gagawin pag dating sa bahay, may pumukaw ng pansin sa akin, tila may naramdaman akong may nahulog sa aking paanan ng isang bagay, tiningnan ko ito at nakita ko ang isang kulay itim na maliit na pahaba. Pinulot ko ito, dun ko lang namasid na aking USB pala iyon. Naglalaro sa aking isipan kung bakit nahulog iyon samantalang nakasarado naman ang zipper ng aking bag. Malaking tanong sa aking isipan, tiningnan ko ang bag,. Nag init ang buo kong katawan at pinagpawisan ako ng husto. Doo'y pala'y nawatwat na ang bandang ibaba ng bag at nakalabas na ang earphone ng MP4 Player ko.
Tusukat* 1
12 years ago