Are you familiar in GATEWAY MALL at Cubao? 3 times pa lang akong nakapunta dun, pero ang dami kong napansin, keen observer ako e. The place is good, relaxing, only few people are there. Mostly mga pumupunta dun magaganda at gwapo, my kanya knyang personalities, let says mayayaman din ang mga pumupunta dun. Ganda ng ceilings, lights and colors. Ganda ng paka art. Pero do you know these people na pumunta dun? I mean their attitudes inside the mall? Well, may napansin ako.
When you get up to the foodcourt upstairs, very shocking ang mga eksena, akala mo kung anung meron, well hindi ko alam kung my mga eksenang gnun lagi, cguro ngkataon lng naman. Merong kasing mga grupo ng mga taong umaagaw eksena or nagpapapansin, meron namang ung mga sobrang tahimik na grupo na hindi nagsasalita, merong grupo din ng mga bading na mahaharot. Its unusual kasi sa isang mall na makakakita ka ng mga ganung scenes na nakakaintriga. Siguro im ignorant pa sa mga bgay na to pero di ba we have a proper attitudes when inside the mall.
And the worst is, ito ang nakakabigla na eksena, which i was shocked and felt embarassed. The time when i get to the comfort room para mag ayos ng sarili, makapaghugas at makapag jingle. E xempre as a boy, wala namang kaso if you're going to clean yourself, proper hygiene ika nga. Then after that, ji-jingle na ako, Oh Men, look at my right and left side, side by side, they are starring at my !@#$%^. Pati mga nasa likod thier keep on starring at me. WHY? Is there something wrong on my face or at any part of my body? oh my gulay, nag blush ako and felt a little nervous. Tapos mag-ssmile sila sayo! What the heck...! NAMBOBOSO. Until then, i realized, boys over the comfort room are GAYS. GATEWAY is the right place for them... You can see them in every corner at the mall.
Monday, September 14, 2009
GATEWAY
Posted by Christopher at 7:31 PM 2 comments
Wednesday, August 12, 2009
SAME SEX RELATIONSHIP?
Is it RIGHT to have a same sex relationship?
Is it acceptable in the SOCIETY where you live in?
Are they going to RESPECT you?
Are they going to ACCEPT you?
Does the church AGAINST in same sex relationship?
If you're into it, how does it FEELS?
How does same sex relationship IMPROVED your personality?
How are you going to HANDLE this relationship?
What are the ADVANTAGES AND DISADVANTAGES?Is it true that ONLY bisexuals are involved here? How about the straight guys, are you going to try this?
Is there a possibility that these straight guys will transform to bisexuality?
Sa araw araw na pakikipagsapalaran ko sa labas ng aming tahanan, napakadami akong nakikita at namamasid sa daan. Bahay - eskwela lamang ngunit sa dami ng aking nakakasalamuha sa daan, kanto, lobby, iskinita, merong sadyang nakakapukaw ng pansin na tila ang hirap ipaliwanag sa isang walang kamuwang muwang na nilalang. Tao ako sa RECTO kung saan ako nadaan pagpasok at paglabas ng eskwelahan, hindi mo maibaling ang mga mata mo sa iba't ibang taong nakakasabayan mo, sa dyip, sa bus, sa tren. Bilang isang mapagtanong na manunulat at ordinaryong nilalang na madaming gustong malaman sa kanyang kapaligiran, nais kong malaman ang mga bagay bagay na minsa'y sobra na sa paningin ng madla.
Nais ko po sanang malaman ang mga sagot sa mga katanungan sa bandang itaas para malinawan ang inosenteng isipan ni Juan.
Posted by Christopher at 1:19 AM 1 comments
Thursday, August 6, 2009
TITA CORY: The last Night
INTRO:
Tita Cory was the seventh and first wowan president in the Philippines. She was the mother of Democracy as her legacy. She died last August 1, 2009,3:18 in the morning. As a pay tribute to her death, many of our fellow filipinos joined and visited her last days on earth at La Salle Greenhills and Manila Cathedral. I, myself witness her last hours. She was been recognized as wowan of courage, a woman of prayer.
THE STORY:
Let me tell you my story during the last night of tita cory that I had attended.
PLAN:
Tuesday, after my class, binalak ko na talagang pumunta sa last hours ng public viewing ni Tita Cory but then I was alone, nobody want to accompny me kahit lagi ko silang pinipilit (mga klasmates ko). Kahit ang dami k ng encouragements and motivation para sumama sa akin, wala talaga,mas marami pa silang dinahilan. Wala na akong magawa, i felt a sudden sadness, seems nalungkot ako kasi the eagerness na makapunta e hindi matutuloy. Then i lose hope na na makapunta kasi nga walang may gusto. I went home, the rain was striking hard, baha na naman sa daan,traffic,wla pang masakyan. When i got home, humiga ako, still iniicp ko pa rin yung last night ni tita cory, naiinis ako pag naiicp ko un. Edi pinagsawalang bahala ko na lng,kain tpos shower. Two hours later...
PHONE CONVERSATION:
Tumatawag ang best friend ko.
Ako: oh buddy, musta na? napatawag ka.
Buddy: san ka?
Ako: dito sa computer shop, nag upload lang ako ng mga pics sa friendster
Buddy: ah, matgal ka pa ba diyan?
Ako: mejo malapit na ako mag out, mag 2 hrs na rin e.
Buddy: Buddy, punta tyo manila cathedral, punta tyo sa last hours ni tita cory!
Ako: weh, di nga, cgurado ka?
Buddy: Oo nga, ano punta tyo?
Ako: o cge, cge, what time?
Buddy: ngyon na, mga 11:30pm
Ako: o cge, mag out na lng ako, cge bibihis lang ako
Buddy: oke oke, puntahn nlng kita mmya sa bahy nyo pag ok na ako.
Ako: ge,ge,.pauwi n me.
Edi yun nga ang usapan, dali dali naman akong umuwi at nagbihis na. Alam mo yun, yung feelings na nakakagaan ng loob na gustong gusto mong pumunta at nagkatotoo. Yung desire na makapunta is finally makakapunta ka. Salamat sa best friend ko. After 15 miniutes, dumating na nga si buddy, ready to go na, but me hindi pa ako nakakadamit,edi pinagalitan na namn ako ng best friend ko. Akala nya kasi go na agad..no choice nagmadali ako,.
DEPARTURE TIME:
11:30 lumabas na kami ng bahay, wow! grabe ang ulan, ang lakas parang wala ng bukas. Ang daan baha, malamig, mahangin. Pero it never been a reason for us para umatras, tuloy ang pakikipagsapalaran. On our way, grabe po ang traffic, almost the streets from lawton down to luneta was heavy traffic. Inabot kami ng haggang 12:30 sa daan bago nakaapak sa Manila Cathedral.
MANILA CATHEDRAL:
This is it, this is reaaly is it, guys ang daming tao, wala akong masabi, ang daming nagmamahal kay tita cory, sumusuporta at loyalist niya. Takbuhan ang mga tao, para saan? ayun ang pilahan, dun pala sila papunta, edi kami takbo rin, ang tinatakbo pala namin papunta pa palng sa hulihan ng pilahan. Aysus, akala namin malapit lang ayun pala, malapit na sa manila city hall ang pila. Wala na naman kaming mggawa, edi pumila, sabi nga ni cory "MAGKAISA" sa pila. 1:00 am na kami nag start pumila. Umuulan, baha ang daan kung saan ka pumipila, malamig.
SCENES SA PILAHAN:
Almost mag 1 hr na kami nakapila ni buddy, almost 1/4 na rin ang nalalakbay namin.Akala mo ang lapit, naku 1/4 pa palng pala. Buti may mga nagbibigay ng free water, pampalubag loob man lang sa mga naiinis ng pumipila. Bata,binata,ngbibinata matanda andun lahat sila sumisingit sa pagitan ng mga pumipila. Kala niyo makakasingit kayo ha, ayan pahiya ka. Singitan ba naman yung mga taong nasa likod namin. Cancel ang inabot nila sa ale, sabi ng ale: "EXCUSE ME, PILA NAMIN JAN, KUNG GUSTO NYO MAKIPILA, MAGMOTOR KAYO HANGGANG MAABOT NYO ANG DULO NG WALANG HANGGANG PILA", talbog ang mga japorms n sumisingit. Kami tawa lng..hahahha! buti nga sa inyo. Tapos bigla naming nging close yung mga nasa likod namin, mag picture picture pa. Merong naiihi na, natatae, rinarayuma, sakit sa likod,sakit sa legs, ang dami nilang hinaing knowing na 2 KL pa ang lalakbayin namin. Ito naman kasing ulan, ayaw makisama, sinabayn pa kamo ng hangin. Edi hiyawan na naman ang mga tao, sigawan habng tumtawa. Isa pa, sa may harapan namin, may bading, daldal ng daldal, nakakaimbyerna kasi daming reklamo na sira na daw beauty nya. Bahala siya, papatawa lng naman na kahit putikan na ang kanyang imported shoes. Ito ang mga EKSENA sa pila, masaya na nakakapagod..,
At 3am, almost 1/3 na, sa wakas makakatungtong na rin kami sa simbahan. Ang eksena? may nagsabi na HINDI NA KAYO AABOT, at 4am magsasarado na ang public viewing. Aba, sigawan ang mga tao na kamo hindi makakapayag. Nagmakaawa pa sila, considerate ang mga sacrifices na pinila namin. Nagtiis kami ng 4hrs para pumila habang bumubuhos ang ulan tapos pagsasaraduhan nyo lang kami? hindi kami makakapayag. Ang iba naglipana, umuwi na, di na kinaya,. Pero kami we did'nt lose hope na makita c tita cory. Tuloy ang pila pa rin. Ito may balita na nasagap na darating daw si pres. arroyo at 4am, alam nyo ba naman ang sabi? gloria PUMILA ka sa dulo, anu ka ESPESYAL? hahaha...twanan ang mga tao...Ito si mamang pulis, may maganda atang balita, edi naki usyoso naman kami, ANNOUNCEMENT: EXTENDED ANG PUBLIC VIEWING UPTO 6AM". oh, edi naka smile ang mga tao ulit, sabi ko naman, dapat lng, my puso naman cguro cla para ipagtabuyan kami at 4am na kahaba haba pa ng pila.. Edi back to normal ulit, FORM A TWO LINE sigaw ni mamang pulis, o two lines daw,edi xempre two lines. Itong si manok na nadaanan nmin kumakarokkok na, twanan ulit, HOY, TUMIGIL KA BAKA GUSTO MONG MAGING ANDOKS..tawa ulit. Alam nyo yun sa dala ng pagod at sakit ng katawan lahat na pinapatulan na. Kmi ni BUDDY, gutom na, operation SKYFLAKES. Labas ang skyflakes, aba 1 click naubos, inofer mo sa iba lahat nakuhanan na,edi tinginan nlng kmi ni buddy sabay tawa..hahaha! Masaya ang mga eksena sa pilahan. Sana na try nyo.
ON THE CHURCH:
4am, nakatungtong na rin sa wakas sa simbahan,. You know the feelings upon entering sa church, nakakalunkot na parang gusto mong umiyak. Very sad yung environment, na feeling mo hopeless ka sa loob, tapos nikikita mo yung mga tao sa loob na nakakunot noo, wala ng mata sa kakaiyak. Parang gusto ko rin umiyak that time. Edi tuloy lang ako sa paglalakad, malapit na ako sa kabaong ni tita cory, wala akong ibang inisip kundi kung anong itsura nya. When im about to see her kabaong, hindi ko na pinansin kung anung damit nya, kung saan gawa ang kabaong nya, basta naintact na lang ako sa mukha nya. Guys, i did'nt saw the real face of tita cory but the face of gloria romero. Wala, hindi ko talga siya namukhaan, mukaha talga ni gloria romero. I've been xpected pa naman na makikita ko siya sa totoong mukha nya kaso hindi e, iba ang mukaha nya, its not the typical face of cory. I don't know why. Ang sabi nila, its because of Make-ups, then very reb din kasi ang lips nya, tpos payat na ang mukha. Sabi ko sa sarili ko, ang ganda pala ni tita cory, mukhang hindi siya patay.
BUOD:
Masaya ako sa pagpunta ko sa Last hours ni tita cory, contented, fulfilled. It will be a great experienced to witness like those happenings. Kahit na madmi kaming pinagdaan sa pilahan, nawala yun its because the desire to see tita cory ay nakakaoverwhelmed. I appreciated the company of those people na nakilala namin sa pilahan. Ulan, baha, puyat, pagod but it WORTH. Wala akong pagsisisi,in fact that is an achievement to an ordianry person and as a student. Madami kang makukwenta sa future generation if someday someone will asked you, WHO IS CORY AQUINO? then, you can able to tell something about her. Siya ang present president nung pinanganak ako kaya i will treasure those experienced.
Salamat president CORY AQUINO, paalam!
Posted by Christopher at 12:47 AM 1 comments
Tuesday, July 14, 2009
SELFISH
Why do some people being selfish? Is it because they are being affected in their past?
Why do they need to pretend? Is it because they do love to play?
Why do they need to fool others?
Why they are not contented of what they have?
Why do they are selfish of letting go?
Why do they are selfish in forgiving?
Why they are selfish in giving friendship?
why? why? why...
Is this a kind of person whom you will want to treasure forever? Do they deserved to be happy despite of being selfish in forgiving? Do they need to fool others just to cover up their sins and afraid of letting go? Are they good persons? educated? socialite?!
Posted by Christopher at 12:12 AM 0 comments
Sunday, July 5, 2009
HOME OF SQUATERS AND ABANDONED CHILDREN
July 3,2009.
This is the day that I visited ulit ang baywalk after 2 years I think. I was surprised at hindi makapaniwala na ganun ang mga nakikita ko na. Looking back at my young age, I remembered the last time that I got there, ang daming tao, masaya, there are lots of people enjoying the night hanggang umaga, madaming mga shows, banda, entertainment, inuman. Seems everybody ay sinusulit ang gabi. I remembered, kumakain pa kami dito ng mais, peanuts, chicheria, barbeque, etc.basta ang daming nabibili.. But now, I got really disappointed, really really disappointed. Try to visit baywalk today, see what's the difference between today and yesterday.
Yung masayng pasyalan ng mga tao dati, it gets worst, ang lungkot ng place, napakalungkot, parang hindi na siya yung nakilala nting baywalk dati. Boring ang lugar, walng katao tao, walang namamasyal. To be honest, nung time na mamamasyal kami together with my peers, baywalk is included in our list, pero ngayon its never been our option.
The first thing that I noticed when I was walking along the bay, I don't know if I get mad or happy, basta ang nararamdaman ko is pity. They are the beggars, squaters, abandoned children,. Tingnan nyo po ang nangyari sa lugar ngayon na isa sa pinagmamalaki ng manila dati, tourist spot pa yan dati, pero ngayon? "It's a HOME OF SQUATERS". Nakakahiya mang sabihin pero yun ang totoo. Well, im not against sa ginawa nila sa baywalk pero look for its negative side, instead of improvement, its just get worst. Nasaan na ang masasayang alaala ng baywalk. Yun na nga lang tanging lugar kung saan ka pwedeng makapg unwined dito sa manila na katabi mo ang dagat/river e, kasi yun libre,open to all pero pinagkait sa atin.
Ito ay opinion ko lamang, how I feel para sa baywalk kasi lagi din ako dyan tambay dati. Ang masakit lang kasi, nakikita ko na naging lugar na ng mga squaters, at nakakahiya ng maglakad dun lalo na sa gabi kasi nagiging artista ka na, all eyes nila nasa yo, tapos may lalapit sayo na namamalimos, di mo pa alam kung snatcher. Masakit kasi yung dati mong pinupuntahan,parang naging danger zone na.
Anyways, ito lang ang masasabi ko... BAYWALK in it's WORST SIDE.
Posted by Christopher at 10:15 PM 0 comments
Sunday, May 17, 2009
ENROLLMENT IS GOING ON!
Madalas na naman natin nakikita ang mga katagang "ENROLLMENT IS GOING ON". Sa bawat eskwelahan na makikita mo sa daan at kalye, nandiyan na naman ang mga naglalakihang mga tarpaulin sa labas ng paaralan na tila nag-aalok sa mga batang uhaw na makapasok sa eskwelahan. Tila nag-aaya sa mga kabataan na pumasok sa mundo ng paaralan. Ngunit sa karamihan, anu ba ang tunay na kahulugan ng ENROLLMENT IS GOING ON? Anu ba ang kahulugan nito sa mga batang kalye? Sa mga kapos, sa mga mahihirap, sa mga uhaw ng karunungan.
Ito ang aking kwento:
Habang binabaybay ko ang kahabaan ng RECTO na may bitbit na bag at isang plastic ng MCDO food, may umagaw pansin sa akin na tila nag iisip at pinagmamasdan ang isang nakasulat at nakadikit sa dingding. Pinagmamasdan ko siya habang ako ay papalapit sa kanyang kinatatayuan. Nang makarating ako sa kanyang kinalalagyan, tiningnan ko ang kanyang binabasa gawa ng mapukaw niya ang atensiyon ko sa kanyang pagkakatitig sa mga letra.
KUYA: Kuya, enrollment na naman pala, ang bilis ng araw.
AKO: Oo nga e.
KUYA: Pero heto ako, tambay,.
AKO: Bakit hindi ka ba nag aaral?
KUYA: Hindi e.
AKO: Bakit?
KUYA: E walang pera e, pero gustong gusto kong mag aral.
AKO: E bakit nasaan ba magulang mo?
KUYA: Ayaw nila akong pag aralin kasi wala kaming pera
AKO: Anu bang gusto mong kunin?
KUYA: Accountacy sana.
AKO: Ilan taon ka na?
KUYA: 23
AKO: Pwede pa yan.
KUYA: Lam mo pre, high skul lng natapos ko, top 2 ako sa klase. Pero heto ako ngayon...tambay, gustong gusto kong mag-aral, madami akong pangarap pero hindi ako makagalaw dahil isang kahid isang tuka lang kami. Ang tatay ko lasinggero laging binubugbog ang nanay ko. Ang ate ko walang trabaho. Pre, mabuti ka pa, maswerte ka kasi may maganda kang pamilyang responsable, ako? wala...inutil ang tatay ko...Kaya pag nakakakita ako ng mga studyante, naiiyak ako kasi sobra sobra ang pananabik kong makapasok. Di ko alam kung anung gagawin ko. Pre, pasenxa na kasi wala akong mapgsabihan ng sama ng loob. Pag nababasa ko yang ENROLLMENT IS GOING ON, napapatulala ako, pasukan na naman na pala...Habang nakikita ko yan, nawawalan ako ng pag-asang mabuhay. Halos gabi gabi akong nag-iisip kung panu ako makakag-aral,umiiyak. Tumatanda na ako. Kaya sa tuwing nakikita ko yan, pera ang unang naiisip ko. Pera, pera, pera, pera.
AKO: Pre, wag kang mawalan ng pag-asa. Magpart time ka.
KUYA: Sinubukan ko ding mag-apply, pero hindi ako makapasok pasok kasi wala akong panlakad ng mga requirements. Kaya ang hirap pre maging mahirap. Buti pa yung mga mayayaman, sila ang may pera pero wala silang pangarap.
AKO: Pre, kung anuman ang meron ka ngayon, wag mong isiping wala ka ng pag-asa kasi challenge lang yan para sayo. Maniwala ka sa panginoon
KUYA: Oo pre, minsan nawawalan na din ako ng pananalig sa diyos, dumating yung oras na nawalan ako ng pananampalataya sa kanya dahil sa mga nangyayaring ito sa buhay ko.
AKO: Pre, isipin mo, kaya binigay sayo ang sitwasyong ito dahil alam ng diyos na kaya mo. Think positive, lahat ng problema may solusyon!
KUYA: Samalat pre ha, sana malampoasan ko na to..cge, mauna na ako..
AKO: cge pre, Salamat din..basta Think positive! Ingat!
AT yun nga ang nangyari sa pag-uusap namin. Ang hirap talaga ng buhay ngayon, hindi mo na alam kung saan ka lulugar. Minsa'y nawawalan na tayo ng tiwala sa sarili gawa ng failure sa buhay. Minsa'y nawawalan na tayo ng pananampalataya sa diyos gawa ng walang pagbabago sa hinaharap. Sana, isang araw, sa tuwing makabasa tayo ng mga katagang iyon sa kalye, hindi na tayo napapaluha kundi masaya na kahit sa kabila ng paghihirap, may pag-asang nagaganap.
Posted by Christopher at 10:53 PM 2 comments
Friday, May 15, 2009
SUMMER ENDS
Yoh, did we feel the presence of SUMMER days? I guess we're not! It's the CLIMATE perhaps that changes the moods of our fellows to go for an outing or reunion in different places. Some are disappointed for the SUDDEN change of CLIMATE. Sunny days and Rainy Days. Paano naman kasi, ngayon maaraw, tapos mamaya uulan, that's why it's really hard for us to decide if we're going to planned for an adventure or somewhat we can do the relaxation session. We only got to boso-boso resort on the 1st day of May, yun lang wala ng iba kasi bagyo na ang kasunod.
Summer Ends na naman, tapos na ang mahabang bakasyon ng mga estudyante, pero ako heto pumapasok pa rin sa skul for my summer class. I hope I can make it to pass the subject. Sobrang mahal nun e, imagine for only 3units you have to pay 5,000 and plus?..yeah,too expensive!..But they leave me no choice...
Summer Ends...Hope you guys enjoyed the 2 months summer vacation!!! Back to normal, as usual, JUNE is fast approaching. Enrollment is going on..Oh men, i feel sleepy! got to bed guys..See you soon!
Posted by Christopher at 1:09 AM 1 comments
Sunday, May 10, 2009
HOUSE AND LOT FOR SALE
Here is my friend na tumawag sa akin last week, asking if mayroon akong kilalang naghahanap ng bahay at lupa. Sabi ko wala akong kilalang mga taong naghahanap ng bahay but I try to post sa BLOG site ko, sa BLOGGER, sa MULTIPLY at kahit anong site na may BLOG ako to POST para if in case may magka interest. Pumunta ako sa kanila kahapon to check their house. When I was there, nagulat ako kung bakit nila binebenta yung bahay at lupa eh ang ganda ng bahay nila at ayos na ayos pa..Nanghihinayang ako kasi sabi nila, they are in need of money because of some important purposes. Uuwi na daw sila ng DAVAO kasi hinidi sila makahanap ng trabaho dito. It's their only option na lng, hinihintay na lng nilang mabenta para makabalik na doon. Naipundar yun nung nagbebeta nung nasa JAPAN pa siya. The house very organized na, maayos lahat kasi kakapagawa pa lang nila. So they asked for help sakin. Sana makatulong ako sa PAMILYA nila.
House and Lot for Sale! Ready for Occupancy. Lahat kumpleto na, may dalawang AIRCON na, isa sa SALA at isa sa KWARTO. 3 rooms yun, masters bedroom at 2 pa. Flooring nya ay TILES na. Ang CR naman, seperate ang paliguan at comfort room. Malawak ang bahay, hindi ko lang naitanong kung ilang sq.m..Concrete syempre, at very safe to any calamities. Tahimik ang lugar kasi nasa SUBDIVISION siya. Malapit sa SM, MARKET, CHURCH, TERMINALS. Matatagpuan ito sa Mabuhay Homes 2000 Subdivision, Paliparan, DasmariƱas, Cavite. A good place to go, safe ka sa loob ng bahay, at malapit lng din siya sa mga RESORTS.
If you want to see the HOUSE, contact nyo lang ako at sasamahan kita anytime. Rush kasi ang pagbebenta nila kaya kung ako lang sana na may pera, kukunin ko yun..
Yung price ng bahay at lupa, saka ko lang sasabihin, contact nyo ko para sa karagdagang impormasyon.
Salamat.
Posted by Christopher at 11:02 PM 7 comments
Wednesday, May 6, 2009
BOSO-BOSO RESORT OUTING
May 4, 2009 at 10:49am
WOW! Grabe, ang saya saya, kahit malamig masarap pa ring maligo sa pool..Buti nakisama ang panahon samin..Hindi umulan, akalain mo yun?.. Naganap ito nung MAY 1 kung saan LABOR DAY! Xempre walang pasok ang karamihan kaya pagkakataon na para makapag unwined. BOSO BOSO RESORT sa ANTIPOLO, astig ang pangalan no? Ako nga din di ako makapaniwal na ganun ang pangalan nun, nagtataka lang ako, bakit kaya ganun ang pinangalan dun e ang gandang lugar,. Ah basta, who cares? nyahahahaha... Ganda ng resort infairness, ang lawak, ang laki, tapos kita mo ang kapaligiran, nasa bundok kasi siya nakatirik, ang lamig nga e. May 3 silang pool, una sa KIDDIE POOL, yung pinaka middle pang adult, tamang tama lang sa feet, about 6ft. YUng nasa babang pool na di namin napuntahan, ewan ko lng kung ilang feet. Pero this is the first time na nag enjoy ako sa paglalangoy kasi mostly di ako nakakapagtagal sa pool kasi hirap akong huminga.. Buti na lang tinuruan ako ng proper breathing.. AT dito ko rin unang nakakita ng KASOY. Actually, yun ang pinakapuo nila dun, nagkalat ang KASOY!Ang saya ng mga ACTIVIIES na ginawa namin, may laro kaming mini cheering at military training, I hope mkapag upload ako ng mga pics at vid dito..Kaming taga ITSO FAMILY ang nagcelebrate nitog araw na to. Kasama namin ang ITSO FAMILY ng QUEZON CITY din. Kumbaga TEAM BUILDING ang TEMA ng outing. About 20 kaming lahat..Ayun lng, kung gusto nyong puntahan ang place at magkaron ng info. check this website :www.bosobosohighlands.multiply.com
Posted by Christopher at 8:39 PM 0 comments
PACMAN VS HATTON
May 4, 2009 at 11:30am
Pacman wins by TKO with Hatton in ROUND 2..It is a pride for the country again! Salamat at may Pacman tayo!.. However, hindi ko nagustuhan ang laban, never, kasi ang bilis ng pangyayari eh, kumbaga yung thrill wala dun, considering the fact na Pacman will win the fight, dapat pinatagal man lang nya para naman may exitement. The fight was boring, hindi ako nagandahan at kumbaga yung adrenaline ko e hindi gumana. Parang in a glimpse of time, tapos na yung laban.. Pero wala akong magagawa, mahina si Hatton e.. Sino pa ba ang magbabalak makipaglaban kay Pacman? Parang may bulong bulungan na may susunod na naman. Di pa ba sila natatakot? Parang pinapahiya lang nila yung country nila. Si pacman mayaman na naman, alam ko half billion ang napanalunan nya. About P528 Millon. Pero di ba kayo nagtataka? Bawat laban ni Pacman pag siya ay nananalo e may mga tradegy na nangyayari? Going back pa nung una nyang laban, di ba may mga tragedy na nangyayari? hindi lang isa kundi maramihan. Diba nung lumubog yung MB PRINCESS of the STARS, di ba katapos lng din ng laban ni Pacman nun? Sinisi ba? hehehehe! Ah, bahala na, sana walang mangyaring masama. Dala yan ng GLOBAL WARMING na siguro.Grabe ang GMA-7 sa paglalabas nila ng laban ha, nakakabanas at nakakabadtrip, di mo alam kung anong gagawin mo sa T.V e. Ang sarap mura murahin, panu naman and daming COMMERCIAL, nakakabitin, tapos 30mins. ang bawat commercial, abusado talaga ang GMA, mukhang pera talaga.. ASAR,. Dun nga sa lugar namin, pinagmumura ang GMA-7, galit na galit sila kasi lagi daw silang nabibitin dahil sa pagtatake advantage ng network. Dami nag rereklamo. E kahit sinu ba naman e, sinong hindi mababadtrip. ABUSO na kasi ang 7. Sana sa next fight ni PACMAN sa ABS-CBN na lang i-air.Basta kay PACMAN, saludo kami sayo, wag ka lng pumasok sa pulitika ha!.
Posted by Christopher at 8:37 PM 0 comments